Zugschwang - "a compulsion to move"

Thursday, June 30, 2005

Anak-ng-PUTIK !

Nung isang araw eh nagpapa-lipat-lipat ako ng channel naghahanap ng mapapanood. Nang bigla akong natigilan sa nakita ko sa Cinema One. Totoo ba ang mga imaheng tumatambad sa aking mga mata ? Dininig na pala ang isa sa panalangin ko ! Anak-ng-PUTIK ! Bakit wala man lang nagsabi sa akin na nagsama na sila sa isang pelikula !

Si Ina Raymundo at si Shirley Fuentes. Anong tema ng palabas kamo ?? BIKINI WATCH.

Hesusmaryosep !!

Ganito kasi yun. Ako'y me hinahanap na katangian sa mukha ng isang babae. Ako ay lubos na nabibighani sa mga mukhang 1. Ubod ng maamo O yung mga 2. Mejo Mataray-taray ang dating. Gusto ko lang linawin na mataray ang dating at hindi mala Bella Flores o Odette Khan!

Si Ginang Ina Raymundo ay me maamong mukha na me katiting na anghang. Hindi ko naman sya napapansin ng gaano nuong mga panahong patok pa ang "Sabado Nights". Pero nagiba ang timpla at klima ng aking katawan nang napanuod ko ang palabas nyang "Burlesk Queen". Nagiba na ang pananaw ko simula nuon.

Si Shirley Fuentes naman. Tisay at mataray taray ang dating... kakaibang timpla.. nakakagigil. Parati kong inaabangan ang mga biernes na mapapanuod ko sya sa Bubble gang. TGIF indeed.

Bukod sa dalawang ginang na nabanggit ko eh dinagdagan pa nila ng ilang mga babaeng dayuhan. Aba kumpletos rekados na ! They even threw in something to please the colonial yearnings of the pinoys. How thoughtful indeed !

Datapwat ako'y lubos na nalilibang sa palatuntunan ng mga panahong iyon eh merong mga napanood akong mga eksena na lubos na bumabagabag sa aking pagkatao. Tiniis ko ang mga kabulastugan at kakenkoyan ni Andrew E., Raffy Rodriguez (Kapatid ni Ruby), Ismokey Manoloto.

Ang hindi ko matiis eh nung tinanggal ni Andrew E. ang bathrobe nya at suot suot nya ang 2 piece bathing suit. Nakupo !! nuong pagtalikod nya eh Thong bikini pala !

Hesusmaryosep !!

Hindi pa rin ako mapakale.

Ang tanong na lumulutang lutang sa aking isipan ngayon eh kung nagtambal din ba sa Pinilakang tabing sina Francine Prieto at Michelle Bayle ??

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home