Zugschwang - "a compulsion to move"

Tuesday, October 25, 2005

Eto na at kakaba-kaba

Samutsari na ang aking nararamdaman ngayon. Masaya, malungkot, excited na hinde, takot at kaba. Nakatanggap na kasi ako ng liham (email) mula sa NZ Embassy makati. Ang sabi sa liham ay malapit na raw mailabas ang aking work visa at kelangan ko lang daw maglabas ng booking certificate na nagpapatunay na meron na akong plane ticket patungong Wellington.

Professional anxiety:

Sapat na ba ang aking kaalamang teknikal ? Gaano kagaling ang mga bumbay (Indian) at puti kumpara sa gwapong kayumanggi na kagaya ko ? Sa ganitong industria (IT kompyuter) eh di sapat ang lakas ng loob at sipag. Kelangan din ng malalim lalim na karunungang teknikal at diskarte.

Personal anxiety:

Dahil hindi naman kalakihan ang apartment na aming nire-rentahan eh kami, bilang isang pamilya, ay naging malapit kami sa isa't isa. (Pwede pala ang prepositional phrase sa tagalog)

Inay at Itay :

Sana'y maalagaan kayo ng mabuti ng dalawa kong kapatid. Kung dati ay ang aking mga magulang ang naging takbuhan ko sa aking mga problema, ngayon naman ako na ang tinatakbuhan nila.

Dati sila ang aking pader, ngayon naman ako ang inaasahan nilang sandalan.

Sister and brother :

Baka sa email ko na lang kayo mapayuhan ng inyong mga problema. Yung nakakabatang kong lalaking kapatid lang ang tanging nakakapagpa-halakhak sa akin magpasa-hanggang ngayon. Sa aking nakakabatang babae, Hindi kami ganun ka close dati, nagiba ang lahat nang ako'y nakisilong na sa aking mga biyenan.

Sa aking Sanggol :

Hindi ko inakala na ang isang maliit na nilalang na kagaya mo ay makakapagbigay sa akin nang labis na kaligayahan. Dahil sayo hindi ko na napapansin ang traffic, init sa loob ng fx, amoy ng katabi ko sa fx. Biglang naging maganda ang mundo ko dahil sa yo.

Ika-nga ng toothpaste commercial eh.. "ang mundo ko... kumukutitap".

Sa aking pinakaminamahal :

huwag ka sanang malungkot,

Wag kang makikining ng Freddie Aguilar

Kamusta ka aking mahal
sana'y nasa mabuti ka
ako'y wag mong intindihin
nakakaraos din

Panaginip ko'y laging ikaw... sinta...
Mahal.. kamusta kaaa...

Ayos! tamang karaoke.

Natatandaan mo kung abril nang tayo'y magbakasyon sa kota kinabalu. Ang ating napagplanuhan ng long term ay ang tayo'y maninirahan sa ibang bansa. Eto yung gusto natin hindi ba ? yung hindi na natin pro-problemahin kung saan kukunin ang pangmatrikula ng ating anak.

Seguridad, seguridad at seguridad para sa ating dalawa kapag tayo'y me edad na. Habang bata pa at kaya pa ng katawan. KAYOD!

Naalala mo yung text ko sayo dating nanliligaw pa ako sayo ? "Each second that passes is like a needle pulled out of my heart. For I know that I will be with you soon." Walang nag-aakala na napaka-kesong (Cheesy) tao ako nun.

Mahal kita.

Labels:

9 Comments:

  • At 7:18 PM, Blogger Sassafras said…

    naluha ako dun :(
    *hugs and kisses*
    mami-miss ka namin.

     
  • At 7:20 PM, Blogger Sassafras said…

    meron pa pala...
    dalasan mo ang pagblog :)
    at maghanap ka agad ng computer at magkabit ng webcam.
    magpapatulong din akong magpakabit ng webcam para naman makita at makantahan mo pa rin si tsikiting natin.

     
  • At 11:29 PM, Blogger Jovs said…

    Shucks! Pasensya na ha, naki-agaw ng eksena, pero naluha din ako dito ha! Di bale, konting tiis of separation lang... hindi nyo mamamalayan na isang araw, magkasama-sama na ulit. Goodluck ha!

     
  • At 5:43 PM, Blogger Senorito<- Ako said…

    Jovs : Ayoko nang isipin yung lungkot it might rob me of my energy. :) para maiba lang ang outlook

    Sass : I love you

     
  • At 4:22 AM, Anonymous Anonymous said…

    Tsong... kelan na ba ang lipad, ah? Mamimiss ka namin!!! Huhuhu... mamimiss ko humor natin na halos pareho. Poink.

     
  • At 3:16 PM, Blogger Senorito<- Ako said…

    2nd week of November hopefully... depende din sa 'efficiency' ng POEA :)

     
  • At 6:13 PM, Blogger Senorito<- Ako said…

    Batang Kalye :

    http://www.immigration.govt.nz

    1. Expression of Interest muna o EOI
    2. Wait to be selected from the pool.
    3. Wait for ITA or Invitation to apply
    4. Prepare the docs needed by ITA

    Basically that's it. Marami raming pdf's kang i download sa site na yun.

    You can also check out australia. Magandang bansa din yun. Decide on a country first.

    Yung bf ng ex-officemate ko telecoms din. Ang alam ko madali mag abroad pag telecoms as in MADALI at company sponsored pa.

     
  • At 3:17 PM, Blogger Jovs said…

    Vin, sabi sa akin ni Andrew when I mentioned to him that you guys will be going to Wellington... na sobrang mahangin daw dun. Hehe! Probably the windiest part of NZ.... kahit yung kotse daw na naka-park paminsan umuurong. Better get a truck. LOL. Just kidding!

    La lang... just a bit of info.

     
  • At 9:53 PM, Anonymous Anonymous said…

    Hi! Saw ur link from KU.Kakaiyak naman message mo sa baby and wife mo, andun kc yung sincerity.

    Kami rin ng hubby ko,one year ding nagkahiwalay bago nya ako nakuha(Saudi).

    Goodluck sa new life mo...sana sooner makuha mo na family mo.

    God Bless!

     

Post a Comment

<< Home