Zugschwang - "a compulsion to move"

Friday, April 13, 2007

Adobo Identity at Kulturang Pinoy

I love cooking Adobo. I don't mind that it fills the house with its scent, how it stubbornly clings to my clothes. The scent somehow find its way to some part of my brain and tricks it into thinking that I'm just in Manila. It makes me feel that my parents and siblings is just in the other room watching TV. It comforts me that way.

Everybody has their own recipe for Adobo. Different meats, different parts and different ratios of ingridients. My "Ate Karori" likes using chicken wings not much vinegar. My wife uses lots of vinegar. My adobo always uses lily flower (dahon ng saging ?), bay leaves, garlic, ground pepper and almost exclusively chicken thigh.

My mom is the only person I know who successfully jazzed up adobo. She uses pork (liempo) and hibi (small dried shrimps) with sesame oil, she usually cooks for my grandmother on sundays. It's a knockout dish.

Inspired by Ma, I will be embarking on jazzing up my own Adobo Identity. Yesterday I tried using red wine vinegar instead of white. Had I have short term memory disorder, I wouldn't have recognized it as my own cooking. Next on my list would be to experiment with different meats, soy sauce.

------------------------------------

Minsan ay kailangan mong lumayo para makita at maintindihan ang kabuohang anyo at pulso ng ating kultura. Natatandaan ko nuong ako'y nasa Maynila pa, hindi ko binibigyang pansin at halaga ang ating tradisyonal na okasyon gaya ng Flores de Mayo, Mahal na Araw, kapaskuhan, bagong taon at ang mga katangi-tanging Pista sa kani-kaniyang siyudad/kabayanan/probinsya.

Gawa na siguro nang malakas impluwensya ng mga bayan sa kanlurang bahagi ng mundo, ang ingles na linguahe bilang behikulo sa ating edukasyon. At ang mas malawakang pag gamit ng ingles sa pahayagan, radyo at telebisyon. Gawa ng mga nabanggit, mas pinupuna ko ang kulturang ibayo, kulturang hindi atin.

Magaling kasing mag hikayat ang kanluran, karamihan sa atin any napa-paniwala nila na mas maganda, makulay at masaya ang kanilang kultura at pamumuhay.

Tayo ay natatakam sa kanilang prutas gaya ng peaches, pears, plums, nectarin, cherries. Kinakailangan pang dumayo sa Ongpin o sa supermarket para makabili ng (napaka-mamahal) mga nasabing prutas.

Tayo'y nabibighani sa kulay ng kanilang buhok na kakulay ng araw, mga nagta-tangus-ang mga ilong at maninipis na labi.

Mahigit kumulang isang taon na akong nagtratrabaho, nakikihalubilo, nakikibagay at nakikiisa dito sa New Zealand. Aming nasaksihan ang iba't ibang paraan na pagbigay buhay sa kanilang kasaysayan. Nariyan ang kanilang Guy Fawkes day, Queens Birthday at Parada ng kanilang siyudad.

Ang mga sumusunod ay aking mga personal na opinyon. Sana ay hindi bansagang marahas ang aking pananaw.

Kung aking ikukumpara ang kanilang Guy Fawkes day at ang ating Bagong taon, Pista ng Nazareno sa Parada nila dito eh hindi ko maiwasang bitiwan ang salitang "Malabnaw". Hindi ko maituro kung alin o bakit, pero meroong nagkulang. Sabi nga sa alak eh parang nagkulang sa sipa.

Oo, hindi ko ikakaila na "lubhang" mas mataas na antas ng pamumuhay, mas maayos na serbisyo at pagpapatakbo mula gobyreno, at ang mga inprastrakturang iyong maa-asahan. Pero hindi ito ang pakay nang aking sanaysay.

Ako'y magiging tapat sa sarile, sa aking panlasa eh walang nang tatalo sa sarap at tamis ng ating pambansang prutas. Ang Mangga (bow). Ang kanilang alimango dito ay malaki nang bahagya lamang sa alimasag. Kulang sa tamis ang kanyang kalamnan.

Hindi ko rin ikakaila na mas gusto ko ang mga ka-isdaan nila dito. Mas gusto ko rin ang klima at kalinisan ng hangin dito. Ang mga kabataan dito ay magalang at matulungin, tila wala silang tukso ukol sa kaanyuhan ng kapwa (payat, mataba at kapansanan).

Karamihan sa kanila ay matatangkad ngunit ang uri ng kanilang buhok ay manipis, mukhang marupok at parang lanta. Ang atin nama'y puno nang sigla, makintab na tila'y bumagabay sa ating pala-ngiting pananaw sa buhay.

Kid Sablay: Mabuhay ang mga pango !
Kid Sablay: Mabuhay makakapal ang labi !
Kid Sablay: Mabuhay ang mga tadtad ng tigyawat (taghiyawat) !
Kid Sablay: Mabu...
Senorito : Konting katahimikaaaan !! (Sabay hampas ng kamay sa hapag )


Sa Susunod na kabanata: Baluktot na pananaw

Labels: ,